Saturday, May 9, 2009

Expecting or Hoping???

As you read this post can you just comment on one thing...


What do you prefer from the two:

-Expecting????

or

-Hoping????


thanks for sharing your insights very much appreciated... V^_^

Wednesday, March 11, 2009

Lunch Break

Isa sa mga paborito ko noong ako ay pumapasok sa college ay ang ang lunch break. Lalo na pag mahaba habang oras ang last subject, all that I'm dreading for is lunch break. Yun ang panahon na mag papalitan kami ng mga nasagap na balita ng best friend kong si Jmie. At isa pa, didiretso kami sa paborito naming kainan sa may kubo. Mahangin kasi doon kaya nga lang, malas mo kung maraming jeep o kaya traffic, paano naman kasi kahit probinsya sa may Cavite, mararandaman mo pa din ang polusyon.

"Tara order na tayo, ano ba sayo?" tanong sa akin ni Jmie.
"Yung ganoon pa din. Bicol express, kung wala naman ay sisig na lang."
"At wag mong kakalimutan,"
"Ang alin?"
"Nakalimutan mo na ba? Ang paborito nating extra rice!!!"


Ganyan, ganyan ang mga tagpo namin ni Jmie. Siya lang ang tanging babaeng nakakaintindi agad sa mga jokes ko, nagkakasundo kami maging sa ulam, sa pananamit, sa pabango, sa kung sino ang gwapo. Ang mga hindi niya lang naman sinasang ayunan ay pag nagkakaboyfriend ako ng wala sa lugar. Paano naman kasi never pa ata siyang nag kaboyfriend. Di ko nga maintindihan sa babaeng yun, masyadong pihikan.

Paborito ko ang Bicol Express at sisig with mayonaisse sa kubo. Magaling din kasi mag luto si Lola "Kubo". Well, di ko alam ang pangalan niya, kaya tawagin na lamang natin siyang Lola Kubo. Tutal mukhang mahilig siya sa kubo.

Ang nakakainis nga lang, ay nasa fifth floor ang susunod na klase namin kaya 3rd floor pa lang, wala na ang kinain mo.

Madalas pag lunch break ko din nakakasalubong itong si Mac, isa pa sa mga closest friend ko. Sa totoo lang, naniniwala ako na sa buhay ng isang tao, kokonti lang ang tao na matitira sa buhay mo, yung tipong kahit ilang years na ang lumipas, friends pa din kayo. Isa siya sa mga friends na yun.

"Lunch ka na?" tanong niya.
"Oo, kayo saan?" tanong ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Halatang katatapos lang din ng klase nila.
"Maglalaro."
"Okay." tugon ko na sabay ngiti sa kanya. Madalas ganoon pag nagkakasalubong kami sa school. Minsan dahil busy o di naman kaya dahil kasama ng mga friends. Minsan naman pumupunta siya sa bahay namin. Minsan 2- 3x a week siya kung bumisita, doon na kami nagku- kuwentuhan ng mga bago sa aming mga buhay. Sa pagdaan ng panahon, makikita mo ang mga pagbabago sa amin. Kay Jmie at kay Mac.

Si Jmie, mahinhin noong kami ay nasa highschool pa lang. Kilala siya sa klase bilang isang magaling na artist. Magaling kasi siya mag drawing. At kung titingnan mo, napaka conservative mag damit. Naka jeans lang at shirt madalas. Pero ngayong nasa College na kami, aba masasabi kong kaya na niyang makipag sabayan sa mga "cool girls" sa klase namin. Minsan nga ay siya pa ang nangunguna.

Si Mac naman, tulad ng dati, mahilig pa din sa computer. At dahil lalake ay kung hindi naka uniform ay simpleng naka jeans at polo shirt lang. Ayos na siya makapag dala ng damit ngayon. Matangkad si Mac at may pagka wavy ang buhok, mapungay ang mga mata paano naman kasi ay mahaba ang kanyang pilikmata. Siya yung tipo ng tao na maputi pero dahil laging nakabilad sa araw ay naghahalo na ang pagiging tan at pagiging tisoy nito.

"Punta ako sa inyo mamaya ah." aniya bago kami mag hiwalay ng landas.
"Oo ba." sagot ko naman.

Friday, January 16, 2009

Say cheese...

picture o larawan kung hinde naman ay mas kilala sa tawag na litrato.masaya magpakuha ng larawan o picture o litrato ng iba't ibang bagay lalo na kung ang kinukuhaan mo ay isang masyang tagpo o pangyayari sa iyong buhay.ALam nyu b kung kelan ako huling nahagip ng lente ng camera siguro kung hindi pa dumating ang araw ng aking graduation last HS batch 05-06 (buti naka graduate) eh wala akong recent photo nun mga oras na maliban sa ID ko kc naman bata pa ako at musmos sa mga litrato ko nun kya laking pasasalamat ko pero sa di sinasadyang pagkakataon nawala ang pitaka ko na nag lalaman ng mga pinaka tinatago tagong grad pic hayy sayang tlga kc naman yung mga classmate ko na nanghingi nung grad pic ko hindi ko nga binigyan kc bka lang gawing panakot sa aswang tapos mawawala lang pala hayy natira lang ay yung malaking frame na nakadisplay pa sa pader ng bahay namin (kasama sa pitaka ko ang sweldo ko sa paluwagan pati ang 2 weeks allowance) may larawan ko na nga hindi man lang tinangkang isoli sa may ari nung nakapulot bahala na ang karma gumawa ng solusyon para sknya.Blik tau sa litrato matapos ng picture na un wala ng naging kasunod pa ito lang nakalipas na 2006 ng muli akong nakuhaan ng larawan bukod uli ung sa ID ko para sa college kahit nga yung sa enrolment ko na photo ay wala akong sinubmit kahit isa kc sa totoo lang kamera shy ako at sinabayan pa ng mga panahong parang hindi uso ang pagpapakuha ng picture sa aming pamilya marahil dala ng sobrang gulo sa buhay kaya hindi na naisipan pa kaya wala tlaga akong kalaralarawan ng aking pag bibinata.Lumipas ang mga minuto,oras,araw,linggo,buwan at sa wakas isang event ang nangyari nagkaroon ng isang stage play powered by the rotc division kc rotc lang alam ko nun hindi ko pa namumulat ang aking mata na bukod sa ROTC ay may LTS pla at take note nag training pa ako para lang maging officer yup as in COCC pero sa kasamaang palad ayun talo (ayoko ng banggitin pa kung bkit gets mo nlng ung idea) balik tayong muli sa stage play.........un nga kailangan pa naming magbayad ng 100 pesos para sa ticket bsta 100 un or higher ang venue ng stage play ay sa robinson sa bayan ng cavite nga pala ang title ng stage play ay anwel its about a young angel so on and so off matapos ng kami ay manuod ng anwel nagkayayain kaming kumain kso sa liit ng robinson buraot kaya nag change kmi ng venue sumakay kami ng dyip para pumunta ng sm bacoor masaya ako nun kc ksma ko sya ng mga oras na un bukod sknya ksma ko rin ang mga peers ko ng dumating kmi sa destinasyon nmin una naming ginawa ay naghanap kmi ng maari nming chibugan at dinala kami ng aming mga paa sa greenwich xempre anu pa ba edi kanya kanya kming order un din ung unang beses na nilibre ko sya kya natuwa ako ng mga oras na un.Sa di kalayuan nag hanap na cla ng mauupuan meron pala silang binabalak ng makita ko ang bilang ng upuan sa lamesa ay 4 lang tpos ang bilang namin ay 6 edi ang nangyari bukod ung dalawa sa hula mo sino ung bukod? Sino pa ba kundi Kmi tsk tsk magaling magaling pero natuwa aq sa ginawa nilang yun ng dumating ang aming inorder para kming nagdadate ng mga oras na un at sinasabayan pa ng pang aalaska ng mga kabarkada ko.Matapos namin kumain nag liwaliw muna kmi sa loob ng sm bacoor hbang kmi ay naglalakad nakasalubong ko ang dati kong classmate na babae nung highskul kso sa ksamaang palad dko maalala name nya mga 2nd yr or 1st yr ata ko naging classmate un aun konting bati ilang muztahan at nagtpos nlng sa cge ingat at nag patuloy kmi sa paglalakad hindi ko namalayan bumukod na pla ung dlawang ksma ko dahil may balak ata silang manuod ng pelikula kya hindi namin sila ksma ng mga oras na un habang kmi ay naglalakad na isipan ng isa kong kaibigan na magpakuha daw kmi ng litrato nung una sbi ko cge kau ok lng nmn sken eh pero sa totoo lng cge gsto ko yan naisip mo.At nag pakuha nga kmi ng larawan un ang unang beses na nagpapicture ako ksma ang mga kaibigan ko at including sya matapos nmin mag palitrato napangiti ako dahil wow photo with my friends galing kso kulang ng dalawa eh un lang pero di pa pla nagtatapos dun ang lahat matapos kmi ay kuhaan sabay hirit sken ng isa kong kaibgan magpapicture din kya kau sbi nya pero nahihiya ako nung oras na un marahil dahil cgro sa may epekto pa skin ang flash na camera kya lumakas ang loob ko at niyaya ko syang mag papicture at ng marinig ko ang cge papicture tau wow ang saya palakpak tenga ako nung tym na un kaya nung matapos kmi ay makuhaan ng picture wow ito na yun item na itretresure ko kc naman ung ang una larawan namin dalawa pgkatpos namin magpalitrato umuwi na kmi.Sa wakas latest photo of me at di lang un ksma ko pa sya sa isang photo ok na ok un db? at dahil sa pangyayaring iyon di ko alam parang hindi nawala ang epekto ng flash sken na sa tuwing may mag papicture gusto ko ksali ako lagi bsta picture moments always present ako kaya ayun simula nun wala na akong hiya sa camera pero napansin ko lahat ng larawan ko walang pwede idikit sa enrolment form,biodata,resume police clearance,library card o kahit pamigay lang 1x1,2x2 as in wala hehe ayoko ko lang cgro tlga sa litrato na small size...

All the people mentioned above are unmentioned ones this is to insure that their private lives are well protect from this kind of propaganda...^_^

Sunday, January 4, 2009

Meow

grbe dti msya na ako sa paglalaro lng ng computer games tumatakbo lng dti ang araw ko sa sa ilang mga bagay tulad ng pag pasok sa skul pag wla ng class diretso sa shop minsan hndi na aq nkkbalik pa ng skul dahil tinatamad na ang nman kc ng skul sa shop nung mga time na un.dti sbi ko sa sarili ko ibabaling ko nlng to sa ibang bagay kya naging gnun ang buhay ko nung mga oras na un pero narealize ko nlng nung time na umalis sya at pumunta ng hongkong akala ko kya ko na wala itong mgging epekto sakin na "pumunta sya ng hongkong ay ok"

pero d pla gnun un dko pla kya nawla sya sken sinayang ko lang ang mahigit sa pitong taon na pagtatago ng tunay kong nrrmdaman na kya pla ako gnun dti kc gsto kong iwasan ito pero kahit na anung gwin kong pilit kahit na anung iwas wala tlga lalo lang akong nasasaktan…mahigit sa pitong taon kong tinago to mahigit sa pitong taon ko rin tiniis to pero nag pupumilit lumabas ang talagang nararamdan ko sknya ewan ko ba isa rin siguro sa mga rason kya di ko maipaalam skanya ay dahil takot ako sa mga maaring mangyari na sa oras na malaman nya baka umiwas sya na mag iba ang pakikitungo nya sa akin magkailangan kaya khit na nagkaroon sya ng boyfriend labis akong nasaktan kaya siguro pinilit kong baguhin ang sarili ko para lang mas lalo kong maitago ang sakit na narrrmdman ko nung mga oras na un…grbe napakalaking duwag ko pla na hindi ko pla kaya harapin ang mga gnun bagay na mas gugustuhin ko pang magtago nlng at mag pakaduwag…

pero nung mga nakalipas na mga buwan saka ko lng naisip na dapat harapin ko to na kailangan ilabas at sabihin ko na sknya ang matagal ko ng narrmdman sknya na kung gaano ko sya ka mahal…kya nung nsa hongkong sya lagi ko syang hinihintay na mag Online sa YM nya makachat lang sya masaya na ako balak ko sana nung time na bgo sya umalis sasabihin ko na sana pero hindi na ako nag karoon ng pagkakataon dahil sa sobrang bagal kong gumawa ng aksyon kaya hindi ko nasabi pero nung isang beses na nag ka chat kami hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kahit na napilitan sinabi ko sknya sa YM alam ko hindi dpat dun kc impormal sya pero ngwa ko na eh masabi lang…naghintay ako sa muling pagbabalik nya dito sa pilipinas at sa pagkakataon na yun handa na ako sa mga posibleng mangyari nung time na bumalik sya ginawa ko na ang dapat na matagal ko ng dapat ginawa sinabi ko sakanya na mahal ko sya nung una nahihirapan akong sabihin to kc nahihiya aq pero sa awa ng dyos na sabi ko rin skanya grabe pagkatapos ko sbhin skanya hindi nya ako iniwasan hindi kmi nag kailangan pero atleast nasabi grbe ang tuwa na naramdaman ko nung oras na un na prang isang napalaking tinga sa ngipin ko…pero lumipas ng mabilis ang mga araw at muli sya ay aalis nanaman grabeng lungkot ang nadarama ko pag na aalala ko na aalis syang muli kya bago pa man sya umalis hindi ko na sinayang ang mga sandali kya inubos ko ang lahat ng oras pra lng skanya sa bawat oras na un ay masasabi kong napakaligaya ko na isang parte ng buhay ko ang muli nabuo… ilang araw nlng at malapit ng dumating ang araw ng pag alis nyang muli kya bago ang araw na un niyaya ko sya na lumabas grabe sobra saya ko nanaman nun…

kahit na wala kming msyadong ginawa masasabi kong msya un ksi ksma ko sya at dalawa lang kmi kahit un lang ay masaya na ako at sa paglipas ng mga oras lalong lumalapit ang araw ng pag alis nya sa harap nya pilit ko ang aking sarili na wag mapaiyak sa harap nya akala ko hindi na ako iiyak kc iniwaksi ko na ang mga mata kong lumuluha pero hindi pla nagkamali ako habang naguusap kmi grbe na ang bigat ng dibdib ko wag lang talga umiyak sobrang kalungkutan ang mga oras un pero sinabi nya sken na "1 month lang un mabilis lang lilipas un"…ng ihatid ko sya sa kanilang bahay pilit ko parin itong pinipigilan ng mag paalam na ako sknya gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa ksi nauunahan ako ng kalungkutan ko na hindi ko sya magawang yakapin pero ng sabihin nya sken na "wala man lang ba ako hug dyan" alam ko na nalulungkot sya sa pag alis nya ayokong umalis sya ng nalulungkot kaya niyakap ko sya ito ang unang beses na may niyakap akong babae bukod sa mama ko at kapatid ko sa pag yakap kong un hindi ko na napigilan pa ang sarili ko naluha ako pero hindi ko to ipinahalata sakanya kasabay ng pag hihiwalay nmin sa pag kakayakap parang nakiki ayon sken ang kalikasan kasabay ng pag buhos ng aking mga luha ang pag buhos din ng ulan ayoko pa sana umalis sa harap ng kanilang bahay pero kailangan kong tanggapin na aalis sa papuntang hongkong ulit nung mga oras na lalo kong sinisi ang sarili ko kung saan pla tlga ako sasaya ay un pla ang tanging bagay na aking iniwas iwasan…gusto ko pa sana magtagal sa labas ng knilang bahay halos basa na ako ng ulan at sa oras na malaman nya na nagpakabasa ako sa ulan tiyak akong mgglit pa sya kya hbang umuulan at umiiyak nilisan ko ang kanilang lugar binalak ko pang dumaan sana sa bahay ng mga kaibigan ko pero hindi ko na ginawa tiyak ako aalaskahin lang nila ako kya hindi ko na itinuloy…pag ka uwi ko ng bahay mas lalo kong naramdaman ang kalungkutan kinain ako ng kalungkutan na un lalo tuloy akong na paiyak umiyak ako ng umiyak sa loob ng aking kwarto habang umiiyak sinisi ulit ang aking sarili pero gaya nga ng sinabi 1 month lang pero pra sken napakatgal un kya eto ako naghhntay sa muli nyang pag babalik at sa kanyang pag babalik i will not holdback anymore gagawin ko ang lahat para sknya dahil dun lang ako mas liligaya ngaun hindi na natatapos ang oras ko sa games kung gagamit man ako ng computer friendster at YM nlng ang gawain ko dahil gsto pag balik nya skanya ko lang ibibigay ang oras ko…

mahal na mahal kita at hindi na mag babago un…lagi lang ako nandito para sau handang suppotahan ka sa lahat ng bagay nagbago ako para lang sau dahil gnun ka kaipompotante sa akin…

Saturday, December 27, 2008

Umagang kay ganda

Meron akong kwento tungkol sa isang maliit na baryo (small town kumbaga) sa isang bahagi ng Luzon. Maaga akong nagigising para pumasok sa eskwela. Alas singko pa lang, pinaghahanda na ako ni Ate Leds. Si Ate Leds nga pala ang aking yaya mula nung ako ay nasa grade 3 pa lamang. Mahaba ang kanyang buhok na medyo kulot, matangkad siya at morena. Taga Cebu siya pero namasukan siya sa may amin dahil kakilala siya ng aking mahal na Nanay na tubong Cebu din. Masipag siya at alerto dahil sa pagkakape kaya madalas pag nagugulat niya si Nanay, nagagalit si Nanay kasi naman pareho silang nerbyosin dahil mahilig din sila sa kape. Pero mas adik naman si Ate Leds. Pero hindi sila ang bida dito, kundi ako.

Tawagin niyo na lamang po akong Che. Batang bata pa, pero wag niyo na alamin dahil forever na po akong bata. Okay, balik tayo sa aming baryo, wala pang alas singko, tumitilaok na ang manok. Malamig ang simoy ng hangin mula September hanggang February at tag init na onwards. Pilipinas na Pilipinas. At pag labas mo sa daan, hindi pwedeng walang dumi ng aso dahil nagkalat ang mga askal sa may tabi. Di kami nag aalaga ng aso dahil nga tamad kaming lahat at maarte pag dating sa paglilinis. Unti unti na din nag bubukas ang mga tindahan side by side. At may nag lalako na din ng pandesal, puto, isda at kung ano pa. Alas diyes pa dadating ang taho. Yan ang schedule niya. Bilang lang ang bahay na may dalawang palapag, sa aming street ay meron lang isang bahay. Oo, isang bahay lang. And the rest, bungalow na. Pare- pareho pa nga ang kulay ng bubong which is green pero sa awa ng Diyos, iba iba ang kulay ng gate dahil baka malito ako kung saan ang bahay namin.

Nai- imagine mo na ba? Settings pa lang yan ng aming street. Kailangan pa nga mag trycicle para makarating sa labas, bago ka pa makarating ng palengke at school pwera na lang kung doon ka pumapasok sa may school sa loob ng subdivision. Ang mga trycicle naman kung mag papatakbo ay yung tipong liliparin muna ang panty mo, bago ka makarating sa pupuntahan mo. At pag labas mo ng subdivision, isang palengke na tatawaging na lang natin sa pangalang "the palengks", ang amoy niya ang aasiwa sa iyong kaluluwa umagang umaga. Sabi nga nila alam mo na "the subdivision" namin yun dahil umaalingasaw na ang amoy ng isda, bulok na saging atbp.

Araw- araw akong sumasakay ng jeep at kilala ko na ang mga dispatcher sa mukha. Yung isa tawagin na lang natin sa pangalang "Beary" kasi mukha siyang teddy bear at yung isa naman tawagin na lamang natin sa pangalang "Kap" kasi palagi siyang naca- cap.

To be continued...